DOLE -AKAP Program Guide – Online Registration – Application

DOLE-AKAP Program ay isang Financial Assistance program na inilunsad ng Department of Labor and Employment para sa mga Overseas Filipino Workers na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19. Ito ay alinsunod sa Bayanihan to Heal as One Act ng ating pamahalaan. Si Pangulong Duterte ay gumawa ng hakbang para tugunan ang pangangailangan natin lalong lalo na ang lahat at naapektuhan sa pandemya.

DOLE- AKAP PROGRAM
DOLE- AKAP PROGRAM FOR DISPLACED OFWS

Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng pinansyal na ayuda sa mga OFWs sa iba’t ibang bansa na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19. Bibigyan ng prioridad ang mga OFWs na higit na nangangailangan dahil sa kawalan ng tulong mula kanilang employer o sa pamahalaan ng bansang pinagtratrabahuan.

DOLE – AKAP ONLINE REGISTRATION – I-klik niyo itong link

Ang mga covered at eligible OFWs ay makakatanggap ng one-time financial assistance sa halagang 200USD o ang katumbas nito sa peso. Ang mga OFWs na covered ng DOLE-AKAP Program ay Landbased or seabased workers na:

DOLE – AKAP APPLICATION PROCESS

a.documented o regular – ibig sabihin nito, na-process/na-verify ng POEA/POLO

ang employment contract ng worker;

b. O dating documented worker na naging undocumented worker (dating naprocess/na-verify ng POEA/POLO ang kanyang employment contract);

c. O worker na hindi na-process/na-verify ng POEA/POLO ang kanyang kontrata

subalit gumawa ng aksyon upang ma-regularize ang kanyang kontrata o status sa

bansang pinatatrabahuan;

d. O undocumented worker na active OWWA member sa oras ng pag-apply sa DOLE-AKAP Program

Ang qualified na mag-apply para sa DOLE-AKAP ay dapat nawalan ng trabaho dahil sa lockdown, community quarantine o iba pang dahilan na sanhi ng COViD-19 at dapat nasa jobsite; o nasa Pilipinas bilang Balik-Manggagawa at hindi nakabalik sa jobsite dahil sa COVID-19; o na-repatriate sa Pilipinas dahil sa COVID-19; at dapat hindi nakakatanggap ng suweldo o suportang pinansyal mula sa employer; o hindi qualified makatanggap ng ayuda dahil sa COViD-19 mula sa pamahalaan ng pinagtatrabahunag bansa; dapat hindi nakatanggap ng OWWA financial assistance para sa mga nagpositibo sa COVID-19.

Maaring mag-apply ang mga OFWs na nasa Pilipinas (bilang Balik-Manggagawa at hindi nakabalik sa jobsite dahil sa COVID-19; or na-repatriate sa Pilipinas ng employer dahil sa COVID-19) sa pinakamalapit na OWWA Regional Office.

Bisitahin lamang ang website na www.dole-akap.owwa.gov.ph upang malaman and mga hakbang para sa proseso ng pag-aaply. Dapat isumite ONLINE kasabay sa pag-fill in ng APPLICATION ONLINE ang mga sumusunod na dokumento:

1. Kopya ng valid passport;

2. Kopya ng work permit o visa o permit to stay, kung documented OFW.

3. Katunayan ng pagkawala ng trabaho tulad ng notice of termination o certification mula sa employer, atbp.

DOLE -AKAP ONLINE TRACKER – I-KLIK ITO

Mula sa pagkatanggap ng application, sisimulan na ang pag-evaluate nito at kapag kumpleto at tama ang mga dokumento, ipo-process na ang application.

 DOLE AKAP PROGRAM
DOLE- AKAP PROGRAM

HOW TO FOLLOW UP DOLE -AKAP APPLICATION

  1. Pag ang application ninyo ay ON QUEUE sa AKAP Tracker, ibig sabihin lamang po na ang application ninyo ay hindi pa po na i-evalute. ANTAYIN ang email sa inyo ng mga evaluators. 

2. Pag ang application po ninyo ay PENDING/DENIED, direktang makipag ugnayan po kayo sa pamamagitan ng text sa numero ng DOLE-AKAP o di kaya mag email sa DOLE AkAP Contact Center

3. Pag ang application naman po ninyo ay APPROVED, ibig sabihin po ay on process pa lamang po ito para ma endorse sa DOLE for pay-out. ANTAYIN na maging RELEASED ang status para mag follow-up kasi for process pa lamang. 

4. Pag ang application naman po ay RELEASED, ang inyong reference code ay maaaring makuha sa DOLE-AKAP team. Makipag ugnayan lamang sa OWWA Regional Office na kung saan ka nasasakupan.

DOLE AKAP PROGRAM GUIDE

This Post Has 7 Comments

  1. sarah jeane truelin macatangga

    hello po ako po si sarah jeane truelin macatangga ang apply ko po sa dole eh approve napo.two weeks npo ang tanung ko eh hanggng ilang buwan pa po aantyin ko para makuha ko po ung cash assistance po sana po mpnsin nio po ako ito po gmail account ko po jeanemacatangga26@gmail.com

  2. sarah jeane truelin macatangga

    hello po ako po si sarah jeane truelin macatangga ang apply ko po sa dole eh approve napo.two weeks npo ang tanung ko eh hanggng ilang buwan pa po aantyin ko para makuha ko po ung cash assistance po sana po mpnsin nio po ako ito po gmail account ko po jeanemacatangga26@gmail.com

  3. Gemma F. Cain

    askl ko lang po paano po yung last year pa nag apply ng DOLE AKAP yung husband ko po hangang ngayon hindi pa rin nakatanggap ng cash assistance from owwa seafarer last year na pinauwi sila april2020, almost 1 year na nag try ako mag apply ulit ngayon april 2021 nagbakasali hind na ko maka move sa next step ang lumalabas ‘YOU ARE ALWAYS TO OWWA DOLE AKAP PROGRAM ; ano po ibig sabihin wala naman kami natanggap sa OWWA kung may problema document ng asawa ko , kasi yung kasabay ng husband ko nakuha na sila last year 2020, eh sabay lang nmn din sila umuwi at nag file last year sana po makatangap pa rin kami pangbayad utang din . Salamat po

  4. Eglyn QUILICOT Buna

    Pls po check ko lang ano po yon status sa papers ko po sa Dole-akap kong approved na po ba salamat

    1. SOMAILAH ABDULLAH

      Hi po ma’am Sana Sana mapansin nyo message ko

  5. SOMAILAH ABDULLAH

    Hi po ma’am/sir, paano poba mkasali sa dole akap program po? Hindi kupo kasi natapos Yong kuntrata ko, tapos un pamasahi ko pauwi Ng Pinas Pera ko po? Salamat.

  6. Ferdinand Roxas

    bakit po hindi maclick ang submit application botton sa online registration ng dole-akap. Nasa saudi pa po ako ay sinusubukan ko na ito at hanggang ngayon na naka quarantine na po ako ay di ko pa din siya mapindot at makapag submit…

Leave a Reply