SA PAG-IBIG, MAY IPON KA NA, MAY BENEPISYO KA PA Sa ilalim ng Republic Act 9679 o ang “ Home Development Mutual Fund Law of 2009,” mandatory ang pagpaparehistro ng lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Pag-IBIG Fund bilang miyembro.
Di lang naiipon ang inyong buwanang impok, kumikita pa ito ng dibidendo at tax-free. Pagdating ng membership maturity, ibabalik sa iyo ang lahat ng iyong naimpok. Sa minimum contribution na P100 kada buwan, maari ka pang makahiram ng short-term loan o ng pondo para sa pabahay.
MAS MATAAS NA KONTRIBUSYON, MAS MALAKING DIBIDENDO
Kahit na ang minimumcontribution ay P100, maari kang mag-impok ng halagang higit pa dito bawat buwan. Bukod na mas malaking dibidendo ang kikitain ng iyong ipon, makakasave ka pa sa pagbabayad ng karagdagang remittance fee pagdating mo abroad. Hindi mo na rin kailanagang magpabalik-balik sa tanggapan ng Pag-IBIG o sa remittance centers sa ibang bansa.
Buwanang Impok/Kontribusyon
|
Kabuuang Impok pagkaraan ng 20 Taon
|
P100
|
P31,419.33
|
P300
|
P94,259,79
|
P400
|
P125,659.79
|
P600
|
P166,519.72
|
P700
|
P219,939.50
|
P900
|
P282,779.50
|
P1000
|
P314,199.29
|
P1200
|
P377,039.15
|
MAS MATAAS NA KONTRIBUSYON, MAS MALAKING MULTI-PURPOSE LOAN
Bukod sa pagimpok, kapag nakapaghulog ka na ng 24 buwanang kontribusyon, maari ka ring makautang para sagutin ang mga biglaang pangangailangan katulad ng pambayad ng tuition, pagpapagamot, pambili ng gamit sa bahay at sa panahon ng kalamidad.
Mayroong Multi Purpose Loan o Calamity Loan Programs kung saan ang iyong mahihiram na loan ay base sa iyong kabuuang impok.